
Kahapon.. bagot ako, inis ata or sadyang inaantok.. ewan ko ba pero ang aga ko pumasok at para bang napagtripan ako ng panahon.. lumabas ako ng bahay namin... nakajacket.. STIG! ang pinakagusto ko tuwing umuulan pwede magsuot ng jacket.. pero haneff ala naman palang ulan... hanggang sa makalabas ako ng kotse namin at diretso sa gate ng aming butihing school... ayos talaga malamig pero walang ulan.. - e anoh pa nga ba?! xempre madaling araw kaya talagang malamig... - siguro nasa kalagitnaan na ko ng biglang umulan.. grabe talaga! at di lang sya basta ambon... literal na ulan talaga.. ayun,, nagtampisaw ako sa ulan.. buti na lang di ko hinubad jacket ko.. dun ko lang nalaman.. may purpose pala ang jacket ko.. mahilig lang talaga mangtrip yung panahon... "kamusta naman yun?"
ang saya ko.. maulan, malamig at unang beses ko pa lang aattend ng values class namin habang ang iba kong mga kaklase ay mahigit isang buwan ng pinapasukan yung klase na yun.. - actually di talaga isang buwan kundi 4 times pa lang yung meeting ng values pero kasi once a week lang ang values kaya ayun.. napakapalad ko pa rin dahil 2nd quiz pa lang nila kahapon.. -
naaawa ako na natatawa dun sa klasmeyt ko na pumasok na parang binuhusan ng isang balde ng tubig kase talagang basang basa saya mula ulo hanggang paa... ayun sa kanya, nilipad daw ang kanyang kaawa-awang payong kaya yun.. sya naman ang nabasa... yun na nga siguro ang masasabi kong napagtripan.. hay... tsk, tsk, tsk.. mapangtrip na bagyo... BAD!.. hehehe!
sa pagpapatuloy ng aking kwento.. marami na sa aking mga kaklase, kasama ako syempre na sobrang hyper ng mga panahon na yun dahil nakakain ako ng tsokolate, ang kating-kati nang umuwi - pero sa totoo lang gusto lang nila gumala.. pati na rin ako xempre.. hehehe -. sa totoo lang para kaming mga tanga na pumapalakpak tuwing uulan ng malakas at nagsisisigaw ng suspended dahil sa lahat ng school sa p'que kami na lang ang natitira na may pasok.. kung wala nga atang sumugod na lola/nanay/tita at nag-alburoto dun.. baka di pa kami pinauwi ng principal namin.. ewan ko ba dun.. baka daw kasi gumala kami... pero ang nakakatawa dun.. imbes na sana mas maaga nya kami pinalabas.. kung kelan opening ng sm tsaka lang kami pina-evacuate... hay, how i love our principal.. di nya na kami pinahirapan pang maghintay sa pintuan ng sm.. YAHOO!
marami pa sana akong ikwekwento kaso baka maboring na yung babasa... hehehehe! next time na lang uli.. blog hop muna ako.. *Poink Poink*


NAGPARAMDAM SYA!!!!! oh hindi!?! *nyak!? anong drama naman toh?*
kanina, habang nagpapalaganap ako ng aming joint blog sa iba pang mga bloggers.. di ko inaasahang magriring ang telephone dahil sa mga kadahilanang:
wala ang nanay at tatay ko *eh ano naman!?*
between 1 - 3 pm walang mga makukulit na client ng nanay ko ang magpaparamdam dahil nga saturday ngayon at iniisip nila half day lang ang office hours.. marami kasing di nakakaalam na bahay & office ito.. 2-in-1 kumbaga.. [natanim na sa utak ko yan dahil ganyan ang mga tactics/ginagawa ng mga clients ng mom ko buong summer.. at lagi rin kasing wala ang nanay at tatay ko dito.. naging volunteer *kuno* secretary ako buong summer.. pero ang totoo wala rin naman akong magagawa, kung sana lang eh may income ako sa mga pinagagagawa ko]
kakatapos lang namin mag-usap ng bhabhie HAMHAM ko nung nagring ang phone.. at alam kong di sya tatawag dahil busy sya..
oh diba? *ok so ano nga kung may tumawag...?* eh ayun nga,, nung pagsagot ko... haneff! japanese ang language nung nagsasalita..with matching "Mikaaaaaaaaa-chan!!!!!" namputcha kilala ko na kung sino.. si Natsumi lang pala... gusto ko sanang itanong kung san nya nakuha number ko kaso biglang naputol.. ang nasabi lang ata nya sakin eh akala daw nya magiging magkaklase na kami sa pasukan kaso mukhang di naman pala daw ako pupunta sa japan.. tapos kwento kwento sya sa bagong barkada nya, boiplen.. blah, blah, blah.. grabe di man lang ako pinasingit.. napakadaldal kasi nya.. ni hindi man lang ako nakasagot.. ang nasabi ko lang ata sa kanya e... uhmm.. ano nga ba?? WALA! basta alam kong si Natsumi sya dahil sobrang daldal nya grabe... 10x more ang daldal power nya kesa sakin. pero namis ko sya.. sayang di ko man lang nasabi sa kanya.. *yak ang drama.. wahahahahahahaha!* pero alam ko may sama sya ng loob sakin.. [di ko lang alam kung bakit ko nasabi.. basta feel ko lang ganun] pero lam ko mapapatawad din ako nun.. bakit? syempre onting suhol lang ng strawberry mousse cake bibigay na yun.. nyahahahahahahahaha!
*namental block na sya...* hindi mali ka.. wala na lang akong idudugtong kasi ayokong magdrama ngayon.. di ko feel.. nyahahahahahahahahaha!

pero totoo naiyak talaga ako... at natapos ko yung palabas hanggang sa pinakadulo.. partida nahihirapan na ko huminga nung time na yun kasi inaatake ako ng asthma. ang cute kasi ni papa zanjoe at ngayon ko lang napagtanto na bagay pala sila ni anne.. grabe! tapos habang syempre naiiyak iyak ako.. mas naaalala/miss ko ang boiplen ko.. wahahahahaha! ang drama ko talaga..!
excited na talaga ko sa pasukan kahit di pa ko enrolled.. gusto ko na kasi makita ang HAMHAM ko tsaka syempre gusto ko na gamitin yung mga gamit ko sa skul.. wahahahaha! [pero sa totoo wala pa rin akong gamit.. iniisip ko pa lang na meron.. hehehe!]
ang aga ng pasukan namin kung sakaling sa june 5 nga ang simula ng klase.. pero sa bagay ok lang kasi ang aga ng bakasyon namin.. isipin nyo yun kami bakasyon na habang ang karatig iskul namin e mga nagkakandahirap pa sa pagpasok sa skul nila.. mahal kasi kami ng skul namin *daw?* at sa sobrang pagmamahal e ayaw nilang ipasemento yung mga parte ng skul na puro graba.. nagtitipid kasi sila.. saynag raw ang pagpapasemento.. wala raw silang dagdag kickback sa mga tuition fee ng mga estudyante... wahahahahaha!
nga pala bago ko tapusin ang kalokohan na toh,, gusto ko munang pasalamatan lahat ng bumoto/sumuporta sakin sa naganap na pacontest ni sis camz.. grabe naiiyak ako.. nyahahahahaha! *ang drama talaga!* basta manalo man ako or matalo.. thankful pa rin ako sa inyo.. *nax pang famas talaga ang inarte* at sana wag nyo kalimutang tangkilikin ang blog namin ni aia-pot.. isipin nyo.. sariling atin ito.. ika nga nila "tangkilikin ang sariling atin"

Mami: Kaye, dial mo nga toh.. "8**-**-**"
Ako: Ha? *sabay pindot ng monitor at nagdial* Ano sasabihin ko?
Mami: Tanong mo kung may GB2 sila mamayang gabi..
Ako: Wala naman sumasagot eh.. Teka, ano yung GB2?
Mami: basta alam na nila un..
Ako: Palabas ba yun??
sasabihin ko sana kung laro ba yun sa pc.. kala ko kasi Gunbound kaso mas naunang pumasok sa utak ko yung words na "tv show" kaya inakala kong palabas nga yun.. pero sa totoo lang.. walang kinalaman yung topic ko dyan gusto ko lang ng may bating panimula.. [ayuff.. bating panimula.. ang deep... *yaan nyo na lang sa kaartehan nya sadyang ginawa ng dyos na ganyan sya*]
ETO TOTOO NA.. *sana lang*
ngayon ko lang napagtanto [haneff,, tagalog na tagalog] na kapag pala mag-aaply ka na sa papasukan mong university.. ilalagay mo pala dun mga nasalihan mo [org, academic contest, non-academic chuvaness, talents, gay pageant, little miss philippines, mr./ms. bikini open, guildwars sa ragnarok, adukawars sa gunbound, etc], talo ka man o panalo.
lumabas ang pagka taga-bundok ko nung nalaman ko yun.. di ko kasi alam na may ganun pala... wahahahahaha! inisip ko,, "para san naman yung mga yun? may kwenta pala yung mga sinalihan ko.. buti na lang aktib [kuno] ako".
Sa totoo lang hindi pa ako handang tumungtong ng college.. para kasing may humihila sakin at bumubulong ng "ui kaivi, namputcha ka.. laro muna tayo ng jackstone.. di pa kita natatalo..!" [wahahahahaha! xempre para lumabas na ako yung bida.. kelangan ako yung laging panalo at yung nang-aaya yung talo..]. pero totoo di pa talaga ako handa.. sadyang may mga bagay na alam kong magbabago once na tumapak na ko sa unibersidad na papasukan ko... gaya na lang ng bagong kaibigan, kaaway, kaiinisan, atmosphere/environment, reregaluhang titser para pumasa, kasabay sa pagkain, kakwentuhan, kasapakan, kabangayan, ibabackstab, kras[pero hanggang kras lang.. may labz na kasi ako.. aww paktay! baka mabasa nya.. wahahahaha! pish tau mahalcoh.. di na.. sige ala na ko kras], pagsasayangan ng papel [dahil kunwari daw nakikinig pero ang totoo nagdrodrawing lang sya ng mga bagay/tao na matripan nya], sasalihang contest, etc.
[bottomline: mahirap harapin ang college layp lalo na sa unang pagsabak]
takot ako sa mga nangangain na titser, mga batang bully, at higit sa lahat MUMU.. *koneksyon?* "oh wak mo na balakin pa mag-isip kung sino ang tinutukoy ko.. literal na mumu nag tinutukoy ko.. hehehe!"
PAHABOL. may blog na kami ni aia... share kami.. [parang joint account sa friendster.. stig!] ahihihi! kagabi pa ko excited dun eh.. at ngaun open for business na kami.. pero wala po kaming binebentang tinapay, ulam, kainin, softdrinks, pamplet, mga libro ni bob ong, rosary, o kahit ano pa mang mga kelangan/gusto nyo.. isa lamang po itong blog na naglalaman ng aming kakenkoyan at pagkajologs. pinapangarap rin namin na sumikat ito balang araw [parang mala-bryanboy ba]. make pindot here

"Hindi ako BIATCH ,, at lalong hindi ako MALANDI!"
nakakainis..
ayokong isipin na insecure ka sakin.. bakit?
kasi hindi ako yung tipo [alam ko..]
na dapat kainggitan..
[wait. rephrase] "walang kakainggitan.."
[tama ba yun? wahahahaha! wala na nasira na drama ko.. sayang... wahahahahahaha! pero aun... seriously.. nalulungkot ako kasi ganyan ang nangyayari...]
STOP.
ayoko maging emotional masyado sa blog ko... para kasing dito na lang yung place na pwede akong ngumiti and makalimot ng probz ko kahit papano.. kaya nga siguro karamihan ng entries ko parang may halong kaKENGKOYan.. kahit sabihin mong seryoso yung topic,, ganun pa rin ako.. BANGAG [gaya ng sabi ng isang reader.. pero naintindihan ko na positive pala yun.. nafigure out ko in my own way.. stig.. natuwa ako..]
CHANGE TOPIC. grabe kulang ako sa tulog talaga this past few days.. si momi kasi lagi na lang akong ginigising ng maaga.. kung ndi aalagaan si kamil [stay out kasi ang yaya ng baby sister ko kaya expect na pag wala ang yaya nya ako ang next na alila.. napapagod na kasi lola ko.. ewan..], sasamahan sya sa pupuntahan nya.. biruin nyo yun kanina around 3 am ginising nya ko para lang umakyat sa bintana ng kabilang house kasi nasa dad ko yung keys.. eh nagmamadali na sya cause pupunta pa sya ng airport... amfufu,, nag ala-spiderman pa ko.. tapos wala.. nasayang ang energy ko na pinilit kong ilabas para lang maka-akyat/kapit sa grills namin.. dahil naka-LOCK lahat ng port of entry.. after ng mala-spiderman kong act.. mahihiga na sana ako sa kama ng biglang naalala ko.. "ai,, may duplicate nga pala ako.." huwawwww naman... nasayang talaga ang effort ko.. nagmukha pa akong magnanakaw... wahahahaha!
pero di pa dyan nagtatapos ang aking kwento.. akala nyo ba after that nakatulog na ko ng mahimbing? HINDI.. amfufu talaga.. wala pa atang isang oras simula ng umalis nanay ko.. ginising uli ako.. samahan ko raw sya sa laguna... HUWATTT!!!?? di ba nya alam na madaling araw pa.. at wala na talaga akong lakas.. hay bakit nyo ba ko pinahihirapan ng ganito? wahahahaha! kabayaran ata toh sa lahat ng kasutilan ko..
"ordinaryong blog para sa isang napaka ordinaryong araw.. DARNA!"
-[koneksyon?!]-
:pansin ko.. parang bitin ang post ko.. hai, hayaan na nga..:

Hello there stranger! welcome to my humble abode... This blog is created to be my personal online journal. And is so expected to contain stuff about me and only me. However if you find my place a bit disturbing and is not fitted for you... please feel free to leave, I won't stop you or anything. Thank You & Have Fun!
the given name is kaivi aka kaishie : beautifully living in this world for saizeteen yrs now : had her first look at the world during the year of 1989, DECEMBER 04 : incoming 4th yr. student in a school named LDRM : is taken by LIONEL M. ZARAGOZA : Lazyass : CRYBABY : loves her friends : uber duper ♥'s MIRMO : a frustrated artist : loves DANCING : drama queen : starbucks addict : chocoholic : loves to be PAMPERED : camwhore : beach bum : colors are loved : ultimately ♥'s FASHION : loves eating 24/7 but never gains weight : && adores music like any other human being does
7370
Canon ixus
iPod nano
One day of total pampering :at the spa:
New pair of chucks
A bag from Penshoppe
Visit the beach before summer ends - walang ng pag ASA toh... =( -
Get to see my AKA-CHAN again
A hand-written letter from my AKA-chan
Rebond my hair
Cute Stuff
One big kit full of make-up :in colorful shades of course:
A cute bikini
a shirt with #06 printed on it
YM:
dollprincess_shieshie / rock_it_all_lime
EMAIL: dollprincess_shieshie@yahoo.com
FRIENDSTER: rock_it_all_lime@yahoo.com
MYSPACE:
Click
XANGA:
Click


March 2006
April 2006
May 2006
June 2006
July 2006
Aichan :PICZO::XANGA:
Aleli :BLOGSPOT:
Alona :BLOGSPOT:
Aly :BLOGSPOT:
Andrea :SUPLADA:
Angel :BLOGSPOT:
Anne :BLOGSPOT:
Astrid :BLOGSPOT:
Audrey :BLOGSPOT:
Ayeka :PINAYCHIQ:
Axis :BLOGSPOT:
Aze :BLOGSPOT:
Belayshkie :BLOGSPOT:
Bianca :BLOGSPOT:
Bianxx :TWISTED-SUNSHINE:
Cami :MYSPACE:
Camille :BLOGSPOT:
Christine :BLOGSPOT:
Ciara :BLOGSPOT:
Crizzy :BLOGSPOT:
Dee :BLOGSPOT:
Dihar :BLOGSPOT:
Drew :BLOGSPOT:
Emerie :XANGA::KISLAP:
Gian :BLOGSPOT:
Glam :BLOGSPOT:
Irish :BLOGSPOT:
Iya :BLOGSPOT:
Janiine :BLOGSPOT:
JC :BLOGSPOT:
Jhesca :PINK-BLUSH:
Joy :BLOGSPOT:
Kami :TRES-CHIC:
Kariza :BLOGSPOT:
Kate :ANTIPATIKO:
Kath :BLOGSPOT:
Kiara :BLOGSPOT:
Kim :BLOGSPOT:
Kneeko :ZEPHYRTOUCH:
Lala :BLOGSPOT:
Lei :KISLAP:
Lex :BLOGSPOT:
Lexy :LOVES-FIRST-KISS:
Lianne :BLOGSPOT:
Liz :BLOGSPOT:
Louise :BLOGSPOT:
Ly :XANGA:
Lyka :ANTUKIN:
Maelou :BLOGSPOT:
Malyx :BLOGSPOT:
Maricon :BLOGSPOT:
Marty :IS-EXPLICIT:
MikMik :BLOGSPOT:
Mykel :BLOGSPOT:
Nah Jade :XANGA:
Nhayn :PINK-BLUSH:
Nicole :BLOGSPOT:
Nika :PINK-BLUSH:
Nikki :BLOGSPOT:
Nini :BLOGSPOT:
Obi :BLOGSPOT:
Paoe :BLOGDRIVE:
Patty :BLOGSPOT:
Princess :BLOGSPOT::MULTIPLY:
Ruthie :BLOGSPOT:
Ruth :BLOGSPOT:
Rynne :BLOGSPOT:
Sarah :BLOGSPOT:
TinTin :BLOGSPOT:
Trixie :BLOGSPOT:
Yeye :IS-EXPLICIT:


started since MARCH 24 2006. Comments, suggestions & feedbacks are all welcome. Posers & haters the [x] button is on the upper right corner of your screen. Xie Xie.